-- Advertisements --
2Hollywood on shooting
Hollywood tweet

Nanawagan ang maraming mga Hollywood celebrities sa mga otoridad na ipatupad na ang gun control sa America.

Kasunod ito sa dalawang mass shooting sa Dayton na ikinasawi ng 10 katao at sa El Paso na ikinasawi ng 20 biktima.

Tinawag ng rapper na si Cardi B si US President Donald Trump na racist supporters dahil sa hindi naman ito nakitang gumawa ng hakbang para matigil na ang nasabing pamamaril.

Kapwa nananawagan ng mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad ang actor na sina Armie Hammer at Ken Tremendous.

Ayon naman sa actress na si Debbie Allen na dapat iprioridad ang nasabing gund control sa nalalapit na halalan.
Maging ang beteranang singer na si Bette Midler ay labis na nalungkot sa nasabing insidente.