-- Advertisements --
image 147

Naghahanda na ang mga organizer ng 95th OSCARS Academy awards dahil na rin sa mga hindi inaasahang pangyayari, matapos ng naganap na pagsampal ni Will Smith kay Chris Rock noong nakaraang taon sa mismong event.

Sa kauna-unahang pagkakataon, lumikha ang Academy of Motion Picture Arts and Sciences ng grupo upang tumugon sa anumang mga pwede mangyari.

Matatandaan na ang film academy ay binatikos dahil hinayaan pa umanong tanggapin ni Will Smith ang kanyang trophy matapos ng naganap na pagsampal kay Chris Rock sa stage, dahil sa isang biro patungkol sa asawa nitong si Jada Smith.

Hindi man ibinunyag ng organisasyon ang mga detalye tungkol sa membership ng crisis team ay handa umano sila at bukas sa mga pwede mangyari.

Sa ngayon, ipinagbabawal pa na dumalo si Will Smith sa nasabing awarding sa loob ng 10 taon.

Samantala, ang unang pelikula ni Will Smith mula noong Oscars slap ay ipalalabas sa December ngayong taon habang magpeperform naman ang pop superstar na si Rihanna ang kanyang kanta na nominado rin sa OSCARS na pinamagatang “Lift Me Up” mula sa “Wakanda Forever’ movie.