-- Advertisements --

Pumanaw na ang Holocaust suvivor na si Eddie Jaku sa edad 101.

Kinumpirma ito ng kampo ni Jaku kung saan nalagutan na ng hininga ito sa isang care home facility sa Sydney.

Mula kasi noong 1950 ay sa Australia na ito nanirahan.

Isinalarawan nito ang sarili bilang pinakamasayang tao sa buong mundo.

Noong World War Two ay apat na beses itong nakulong sa concentration camps at tumakas ito sa death march at nakaligtas sa kagubatan.

Isinilang bilang si Abraham Jakubowicz sa Lezpig, Germany noong 1920 at siya lamang ang tanging Jewish sa paaralan nila hanggang namuno si Adolf Hitler.

Noong nag-aaral siya ay pinalitan niya ang pangalan bilang si Walter Schleif para hindi makilala na isa siyang Jewish.

Nagtapos ito ng mechanical engineering bilang top apprentice toolmaker subalit pagbalik niya sa kaniyang bahay ay wala ang kaniyang mga magulang na pinaniniwalaang pinatay ng mga sundalo ni Hitler.

Ikinulong ito hanggang mapalaya at nagtrabaho sa pagawaan ng mga tools.

Lumayas lamang ito ng Germany habang lulan ng train at nanirahan sa Belgium.

Noong ika-100 na kaarawan nito ay sumulat ito ng kaniyang libro na isinalarawan niya ang kaniyang buhay.

Sa loob aniya na pamumuhay ng 100 taon ay alam na niya ang ibig sabihin ng mga titig ng bawat tao.