-- Advertisements --

Magsisimula na sa Huwebes Marso 23 ang Holy Islamic month ng Ramadan.

Inanunsiyo ni Bangsamoro Deputy Mufti Abdulrauf Guialani matapos na makatanggap na ulat mula sa moon-sighting committees ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi nito na hindi nakita ang buwan nitong Martes ng gabi na nagbibigay ng senyales na pagsisimula na ng fasting sa Holy Month of Ramadan sa Marso 23.

Sa nasabing buwan ay nanawagan sila ng spiritual reflections sa pamamagitan ng pagdarasal, fasting at abstaining mula sa mga makasalang gawain.

Ayon sa Bangsamoro Information Office na ito ang pang-siyama na buwan sa Islamic calendar at inoobserabahan ng mga Muslims sa buong mundo bilang buwan ng fasting, pagdarasal at reflections.