-- Advertisements --
Cenacle last supper room
Cenacle or Room of the Last Supper (photo from Israel Tour Guide)

Nagsama sama ang mga archaeologist sa paglalagay ng mga modernong gadgets upang mapaganda pa ang site ng Last Supper ni Jesus Christ sa Jerusalem na tinaguriang walled Old City.

Ang arched stone-built hall o Cenacle ay kabilang sa sentro nang pagsamba ng mga Kristiyano at mga pilgrims.

Para naman sa mga archaeologists upang maging digitally enhance ay ginamitan na ang lugar ng laser scanners at advanced photography.

Ang hakbang ng mga eksperto ay upang madagdagan ang ilaw ng makalumang lugar bunsod nang nakakasagabal ito sa pag-aaral sa kasaysayan.

Ang proyekto ng Israel Antiquities Authority at European research institutions ay nakatulong upang ma-highlight ang mahalagang artwork at makita ang iba pang mga theological aspects ng kuwarto.

Batay sa Jewish tradition ito rin ang burial site ni King David.

Ang paggamit ng laser technology at advanced photographic techniques ay para makabuo ng three-dimensional models na lalong nagpalutang sa mahalagang kasaysayan na ginagampanan nito sa pananampalataya.

Sinasabing tamang-tama rin ang pagsasaayos sa lugar lalo na at panahon ng kuwaresma ng mga mananampalataya.