Walang naitalang anumang untoward incident ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Holy Week 2019.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Director Edgar Posadas, lahat ng kanilang regional offices ay naka-blue alert magmula pa noong Maundy Thursday para higpitan pa lalo ang kanilang monitoring sa anumang insidente na mangangailangan ng agarang pagresponde.
Pero mula noong Huwebes hanggang ngayong Easter Sunday, masasabi raw nila na naging mapayapa at “uneventful” ang buong linggo.
Pero sa kabila nito, ikinalungkot naman niya ang mga aksindente na nangyari ngayong Holy Week kabilang na ang nasa 30 kaso ng pagkalunod at road crash sa Tabuk, Kalinga kahapon.
Bagama’t wala pang nabubuong official tally ang ahensya sa mga nangyaring aksidente sa nakalipas na mga araw, hinimok ni Posadas ang publiko na maging mas maingat sa anumang aktibidad na kanilang ginagawa.