-- Advertisements --

Mahigit 13,640 outbound passengers mula sa iba’t ibang pantalan sa bansa ang na-monitor ng Philippine Coast Guard ngayong Holy Week.

Sinabi ng PCG na 10,421 inbound passengers din ang kanilang na-monitor.

Para matiyak ang kaligtasan ng mga bumabiyaheng pasahero at mga sasakyang pandagat, nag-deploy ang PCG ng 1,965 personnel sa 15 PCG Districts para magsagawa ng inspeksyon sa 156 vessels at 193 motorbancas.

Nauna nang inilagay sa hightened alert ang mga districts, stations, at substations ng PCG mula Abril 8 hanggang 18 para ma-manage ang influx ng mga pasahero ngayong Holy Week.