-- Advertisements --
Home Alone
Home Alone movie

Kinumpirma ng kinatawan ni Macaulay Culkin na isa nang ganap na ama ang Hollywood actor.

Ayon kay Michelle Bega, nitong Abril 5 nang isilang ng aktres na si Brenda Song ang kanilang panganay na isang lalaki.

“Overjoyed” umano ang magkasintahan kay baby Dakota na isinunod sa pangalan ng namayapang kapatid ni Culkin.

Taong 2017 nang magsimula ang love story ng dalawa at nagkatrabaho sa comedy-drama film na “Changeland.”

Noong nakaraang taon nang ilarawan ng 40-year-old actor ang kanyang edad bilang “midlife crisis.”

Si Culkin ay nakilala sa pagiging child star noon at bumida sa classic film franchise na “Home Alone.”

Gumanap siya sa naturang Christmas themed movie bilang si Kevin McCallister.