Binigyang diin ng pamunuan ng Embahada ng Pilipinas sa bansang Israel na walang pang ibang trabaho na pinapayagan sa Israel para sa mga Pinoy bukod sa home-based Filipino caregivers at hotel workers.
Batay sa inilabas na advisory ng embahada, alinsunod ito sa umiiral na Bilateral Labor Agreements sa pagitan ng dalawang bansa.
Ibig sabihin, sa ngayon ay hindi pinahihintulutan ang paghahire ng mga manggagawa sa ibat-ibang sektor katulad ng construction, agriculture, at service.
Nilinaw rin nito na nagpapatuloy ang negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa para sa mga nabanngit na sektor.
Kaugnay nito ay tanging mga recruitment agency lamang na pinagkaluuban ng lisensya ng DMW ang maaaring mag-recruit at magpadala ng mga manggagawa sa naturang bansa.
Wala namang patid ang paalala ng ahensya sa publiko na maging mapanuri sa mga nag-aalok ng trabaho online para hindi mabiktima.