Magpopokus umano ang kauna-unahang home-built aircraft carrier ng China sa pagbabantay nito sa South China Sea pati na rin ang pagharap sa ilang foreign vessels upang pangunahan ang pagkontrol ng China sa nasabing karagatan.
Personal na ipinakilala ni Chinese President Xi Jinping ang bagong aircraft sa harapan mismo ng mga opisyal mula sa Southern Theatre Command na siya ring nakatutok sa operasyon sa South China Sea.
Tinaguriang “Shandong” ang warship na ipapadala sa himpapawid kasama ang ilan pang aircraft strike group upang bantayan ang South China Sea.
Ayon sa mga naglabasang impormasyon, nitong nakaraan lamang daw nang magsagawa ng freedom of navigation operations ang ilang military vessels at aircrafts ng ibang bansa.
Dahil umano sa hakbang na ito ay mas lalong sumiklab ang gulo at tila hinahamon pa raw ng mga bansang ito ang national sovereignty ng China.