BUTUAN CITY – Kung noon ay dalawang araw lang magagamit ang color-coded nga home quarantine pass (HQP) dito sa lungsod ng Butuan, ngayon ay tatlong araw na itong magagamit sa buong buwan nitong Disyembre.
Nakasaad sa inilabas na Executive Order Number 55 ni Mayor Ronnie Vicente Lagnada na ang mga may hawak ng kulay itim na quarantine pass ay makakalabas na sa mga araw na Lunes, Huwebes, at Sabado.
Habang ang mga may kulay blue na quarantine pass ay makakalabas naman tuwing-Martes, Biyernes, at Linggo at ang may hawak na kulay pula naman ay sa Lunes, Miyerkules at Sabado.
Habang ang mga senior citizens naman, mga buntis at mga Persons with Disability (PWD) ay makakalabas tuwing-Miyerkules at Linggo na maaaring magsama ng isa pa na mayroon ding home quarantine pass.
Habang ang curfew hour naman ay luluwagan na mula alas-dose ng hating-gabi hanggang alas-kuwatro naman ng madaling araw.
Ginawa na rin ngayong mandatory ang pagsusuot ng face shield kung lalabas ng bahay at kasama na ang pagsuot ng face mask.