Inilunsad ng pamahalaang lokal ng Taguig ang kanilang “Home Service Vaccination Program” kung saan target nito maturukan ng COVID-19 vaccine ang mga senior citizens na mga bedridden.
Ang nasabing programa ay bahagi ng mas pinalawak na vaccination program.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang nasabing nasabing programa ay sinimulan nitong Lunes.
Layon daw nito para masiguro na ang mga mga bedridden na residente ng lungsod na karamihan ay mga senior citizen na mayroong mga malalang karamdaman ay mabakunahan ng ligtas.
“The Taguig city government is further expanding its reach in immunizing all its residents as it deploys doctors and nurses for the inoculation of bedridden residents for its Home Service Vaccination program,” pahayag ni Mayor Cayetano.
Una anng bumisita si Dr. Jennifer Lou De Guzman, head ng Taguig City Immunization, at supervisor ng SM Aura Vaccination Hub, Dr. Regie Santos sa mga pasyente para sa home service vaccination at isinagawa ang unang pagbabakuna kontra COVID-19 doon.
Ani Dr. De Guzman, ang mga residente na magre-request ng home service vaccination sa kanilang mga bedridden na miyembro ng pamilya ay kinakailangan lang tumawag sa mga designated telephone numbers ng Taguig Telemedics sa 31 barangay health centers ng lungsod gayundin sa COVID-19 hotline ng lungsod.
Binigyang-diin naman ni Cayetano na ang Taguig ay sumusunod sa itinakda nilang prioritzation system at kanilang kinukonsidera na mabakunahan ang lahat ng residente partikular ang vulnerable sector.
“In Taguig City, working diligently and deliberately is important, especially in the event of a health crisis. We must ensure that there are more locations and safer ways for residents, especially the vulnerable sector, to have access to the vaccine,” ayon pa kay Cayetano.
Sa datos ng siyudad mula April 18, 2021, nakapagbakuna na ang Taguig City ng kabuuang 23,146 na residente kung saan 9,564 sa mga ito ay Health workers (A1); 7,029 A2 (senior citizens) at 6,562 na A3 (non-senior with comorbidities), habang aabot na sa 1,112 sa 9,654 nabakunahang frontliners ay nakatanggap na ng kanilang ikalawang dose ng bakuna.
“In Taguig City, working diligently and deliberately is important, especially in the event of a health crisis. We must ensure that there are more locations and safer ways for residents, especially the vulnerable sector, to have access to the vaccine,” wika pa ng alkalde.