ILOILO CITY – Pinaghahandaan na ng Iloilo City Government ang homecoming ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na pinag-uusapan na nila ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated ang gagawing hakbang sa pag-uwi ni Rabiya sa lungsod.
Ngunit ayon sa alkalde, titiyakin rin nila na susundin ang health protocol sa pag-uwi ni Rabiya sa lungsod na sa ngayon ay may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Western Visayas.
Ikinatuwa rin ng alkalde na sa kabila ng kinakaharap na pandemya, nabawasan ang bigat na nararamdaman ng mga Ilonggo matapos kinoronahan si Rabiya.
Hinangaan rin ng alkalde si Rabiya kung saan bag-o pa ito manalo, tumutulong na ito sa pagbigay ng pagkain sa mga frontliners.