-- Advertisements --

ILOILO CITY – Halos indi mahulugan ng karayom ang motorcade ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa Iloilo City.

Suot ni Rabiya sa motorcade ang gown na gawa ng Ilonggo designer na si Ram Silva.

Hindi alintana ng Ilongga beauty queen ang matinding init ng panahon habang umiindak sa awiting Magandang Dilag sa kanyang motorcade.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na labis ang galak ng mga Ilonggo sa pag-uwi ni Rabiya kung saan halos lahat ang nakasuot ng pula.

Nagbigay rin ng cash gift ang Iloilo City Government bilang pabuya sa panalo ng Ilongga beauty queen.