-- Advertisements --

Kasalukuyang naka-quarantine sa isang hotel sa Pasay City si Beatrice Luigi Gomez.

Kagabi nang “home sweet home” na sa bansa ang 26-year-old Cebuana beauty matapos ang Top 5 finish sa 70th Miss Universe coronation nito lamang Lunes sa Israel.

Sumalubong sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport ang Marines welcome and reception, bilang promoted reservist sergeant.

Beatrice home sweet home 3

Inilarawan ni Gomez bilang best hotel ang kanyang tinutuluyan kung saan mayroong pa-welcome food sa kanyang kuwarto, gayundin ang wine, bouquet of flowers at Miss Universe Philippines sash.

“Finally home!” saad nito kasabay ng pasasalamat.

Hinggil naman sa homecoming parade, inihayag ni Miss Universe Philippines communications director Voltaire Tayag na nasa “planning stage” pa sila kung saan napipisil nila na magsagawa rin ng espesyal na event sa hometown ni Beatrice sa Cebu.

Target aniya nila ang victory party at motorcade para maging grand homecoming kasunod ng abot-kamay na tagumpay ng athlete/beauty queen sa prestihiyosong pageant.

Sa ngayon ay aabangan naman ng mga Pinoy ang laban ng kababayan nitong Cebuana na si Tracy Maureen Perez na kinatawan ng bansa sa Miss World 2021 pageant.

Gaganapin ito ngayong December 16 sa Puerto Rico o bukas ng umaga, oras sa Pilipinas, kung saan tatangkaing masungkit ni Tracy ang pangalawang Miss World crown, sunod kay Megan Young noong 2013.

Nabatid na matapos mapabilang sa Top 30 ng Miss World dahil sa unang round ng head-to-head challenge, pasok na rin si Perez sa Top 5 finalists ng Beauty with a Purpose event.

Ang Beauty with a Purpose program ay tumutulong sa mga kandidata na makalikom ng pondo para sa kanilang pinili na maging beneficiary, tulad ni Maureen na pinapahalagahan ang mga single parents.