-- Advertisements --

ILOILO CITY- May naghihintay pa ring homecoming celebration ang lungsod ng Iloilo at Iloilo Festivals Foundation Incorporated (IFFI) para sa Ilongga beauty queen na si Rabiya Mateo na naging kinatawan ng Pilipinas sa 69th Miss Universe.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na bagamat hindi nakamit ni Rabiya ang Miss Universe crown, deserving ito para sa isang homecoming celebration sa kanyang pag-uwi sa City of Love.

Ayon kay Treñas, na-capture raw ni Rabiya ang imahinasyon ng mga Ilonggo nang ginawa nito ang lahat sa prestihiyosong pageant.

Sinabi pa nito na proud ang buong Iloilo City kay Rabiya lalo nat hindi biro ang pinagdaanan ng beauty queen.

Dagdag niya, tiyak na maraming oportunidad ang naghihintay at magbubukas para kay Rabiya sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.