-- Advertisements --

VIGAN CITY – Hirap ang Association of Boxing Alliance of the Philippines (ABAP) na magbigay ng kanilang prediksyon kung ilang gintong medalya ang mahahakot ng mg Pinoy athletes sa gaganaping 30th Southeast Asian (SEA) Games sa bansa sa susunod na buwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni ABAP Secretary General Ed Picson na hindi nila matukoy sa ngayon kung ano ang estratehiyang gagamitin ng mga makakalaban ng mga Pinoy athletes.

Ngunit, hindi naman ikinaila ni Picson na malaking bagay ang homecourt advantage para sa inaasahang tagumpay ng mga Pinoy boxers.

Sa gaganaping edisyon ng SEA Games sa bansa, 13 gintong medalya ang pag-aagawan ng mga boksingero mula sa iba’t ibang Southeast Asian countries kung saan walo rito ay sa men’s division at ang lima ay sa women’s division.