-- Advertisements --
DHS US Homeland cyber attack cyber security
United States Department of Homeland Security

Inalerto ng Department of Homeland Security (DHS) cyber arm ang iba’t ibang government agencies sa US matapos na sila ay atakehin ng mga hackers mula umano sa Russia.

Ayon sa Cybersecurity and Infrastructure Security Agency (CISA), unang napasok ng mga hackers ang SolarWinds Orion software vulnerability.

Nagbabala rin ang mga otoridad na hindi lamang sa mga pampublikong opisina nangyayari ito dahil maging ang mga private companies ay pinasok na ng mga cyberhackers.

Aminado ang DHS na may mga ginagamit na makabagong sistema at tekniks ang hackers na kailanman ay hindi pa nagamit.

Isa ring napasok ng nasabing mga hackers ay ang US Energy Department dahil may mga ebidensiyang nakalap.

Nilinaw pa ng Homeland Security na hindi napasok ng hackers ang National Nuclear Security Administration (NNSA) kung saan agad silang nakagawa ng mga hakbang.

Iniulat din ng kompaniyang Microsoft na ilang customers din nila sa iba’t ibang bansa ang naapektuhan dahil sa mga hackers na nagmula sa Russia.

Basi sa lumabas na inisyal na imbestigasyon, 80% na mga biktima ng hackers ay mula sa US habang ang natitira ay mula sa Canada, Mexico, Belgium, Spain, the United Kingdom, Israel at United Arab Emirates.

Dahil sa pangyayari, naglunsad na ang DHS ng malawakang pag-iimbestiga sa nangyaring malawakang cyber attack.