Nadiskubre umano ng mga kasapi ng Hong Kong police ang isang makeshift factory na gumagawa ng mga malalakas na uri ng pampasabog sa tabi ng mga pro-independence leaflets.
Ang nasabing pagkakatuklas ay naganap kasabay na rin ng kaliwa’t kanang mga protesta na nangyayari ngayon sa Hong Kong.
Ayon sa mga pulis, sinalakay nila ang isang industrial building sa distrito ng Tsuen Wan nitong Sabado ng gabi at dinampot ang isang 27-anyos na lalaki.
“We are dealing with a homemade laboratory for the manufacture of high explosive, specifically TATP,” wika ni Supt. Alick McWhirter.
“This is an extremely sensitive and an extremely powerful high explosive. It will cause exceptional amounts of damage when used,” dagdag nito.
Nagsagawa na rin daw ang team nina McWhirter ng isang controlled explosion at asahang masusundan pa raw ito.
Kasama sa mga nasabat ng pulisya ang T-shirt na may logo ng pro-independence group na Hong Kong National Front, at mga leadlets na may kaugnayan sa mga malakihang anti-government protests. (AFP/CNA)