-- Advertisements --
Nakalabas na sa pagamutan si President Juan Orlando Hernandez ng Honduras.
Ito ay matapos ang 16 na araw mula ng ma-diagnosed ng COVID-19.
Sa kaniyang talumpati sa Tegucigalpa Military Hospital, pinasalamatan niya ang mga medical staff na sumuri at nag-alaga sa kaniya.
Inamin naman nito na ang asawa nito na si Ana Garcia de Hernandez ay nagpapagaling pa rin sa kanilang bahay.
Nanawagan ito sa kaniyang mga mamamayan na sundin ang mga health protocols na ipinapatupad para hindi kumalat pa ang virus.
Magugunitang noong Hunyo 22 ay itinakbo ito sa pagamutan dahil sa panghihina na may kinalama sa sakit nitong pneumonia.