-- Advertisements --
honest driver bacolod

BACOLOD CITY – Labis ang pasasalamat ng dalawang German national matapos i-turn over ng isang taxi driver ang P175,000, US$50 at ilang mga personal na gamit kabilang na ang kanilang passport sa istasyon ng Bombo Radyo.

Una rito, pasado alas-4:00 ng hapon ng pumunta sa istasyon si Jhowny Camolista ng Brgy. E-Lopez, Silay City upang i-turn over ang mga naiwang gamit nga kanyang mga pasahero na sina Thomas Shick, 71, at Jutta Schick, 57, magkasintahan at parehong mga German national ngunit anim na buwan ng nakatira sa Sipalay City.

Ayon sa 48-anyos na taxi driver, nagmula sa Wilcon Depot, Talisay City ang dalawang foreigner at bumaba ang mga ito sa CityScape Residences sa Bacolod City.

Ayon sa kanya, nakababa na ang dalawa ng makita nitong may naiwang bag sa kanyang sasakyan at nang makita niya na malaking halaga at importante ang mga dokumentong nasa loob, agad niyang tinawagan ang kanilang opisina.

cash peso

Kahit na may limang anak si Camolista, hindi nito naisipang angkinin ang pera sa halip agad niya itong dinala sa Bombo Radyo.

Labis naman ang pag-alala ni Mr. and Mrs. Schick nang malaman nilang nawawala ang kanilang bag dahil naglalaman ito ng mga importanteng dokumento at pera.

Kaya nang i-turn over ito, labis ang kanyang pasasalamat dahil malaking halaga ng pera ang naibalik at gagamitin nila iyon sa kanilang pananatili sa bansa.

Plano ng mag-asawa na permanente ng tumira sa Pilipinas dahil marami silang naging kaibigan.

Sinabi pa ng mga ito na itinuturing na rin nilang isang kaibigan si Camolista.

driver German Bacolod