-- Advertisements --

Nakatakdang magtungo sa the Netherlands ang partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña at anak nila na si Kitty.

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na bago ang ika-80 taon kaarawan ng dating pangulo sa Marso 28 ay maaring dumating na ang dalawa.

Kumuha na rin ito ng permit sa International Criminal Court na kung maari ay madalaw ng dalawa ang dating pangulo.

Pinayuhan na rin ito ang mga supporters na magtipon na lamang sila sa kanilang lugar dahil mahigpit ang Dutch government sa malakihang pagtitipon.