-- Advertisements --

Hindi umano nasilayan nina Honeylet Avacena at anak niitong si Veronica ‘Kitty’ Duterte ang dating pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang piitan sa pasilidad ng International Criminal Court (ICC).

Pagpasok kasi nila sa Scheveningen Prison ang detention center ng ICC ay agad silang lumbas ng wala pang dalawang oras.

Matapos na makalabas ang dalawa ay nakihalobilo na sila sa mga supporters ng dating pangulo na naghihintay sa labas ng detention center.

Una rito ay sinabi ni Vice President Sara Duterte na ipinaalam na niya sa ICC ang mga tao na maaring bumisita sa dating pangulo.

Inaasahan din na darating sa the Hague ang dating asawa ni Duterte na si Elizabeth Zimmerman.