-- Advertisements --

Dumating na sa The Hague, Netherlands ang pinakabatang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica ‘Kitty’ at common law partner nitong si Cielito “Honeylet” Avancena.

Dumiretso ang dalawa sa Intenational Criminal Court detention center sa Scheveningen kung saan nakapiit and dating pangulo.

Ang kanilang pagdating ay dalawang araw bago ang pagdiriwang ng dating pangulo ng kaniyang ika-80 kaarawan.

Una ng sinabi na rin ni Vice President Sara Duterte na darating din sa The Hague, Netherlands ang ina nito na si Elizabeth Zimmerman.