-- Advertisements --

Sa ikalawang sunod na araw muling sinuspinde ng mga otoridad ang operasyon ng Hong Kong International Airport bunsod ng patuloy na protesta sa pagitan ng mga sibilyan at pamahalaan.

Ayon sa advisory ng Airport Authority (AA) Hong Kong lahat ng flights palabas at papasok ng rehiyon ay suspendido muna.

“Terminal operations at Hong Kong International Airport have been seriously disrupted as a result of the public assembly at the airport today,” ayon sa AA.

Damay din sa suspensyon ang mga biyahe ng flag carrier nito na Cathay Pacific.

“There is potential for further flight disruptions at short notice,” ayon sa airline company.

Muling nagtipon-tipon sa departure hall ng paliparan ang mga protesters kaya pinayuhan ng mga otoridad ang publiko na huwag munang pumunta doon.

“Members of the public are advised not to come to the airport,” mensahe ng AA.

Nitong Lunes nang suspendehin din ng paliparan ang operasyon dahil ginawang assembly area ng mga rallyista ang parehong departure at arrival area ng airport.