-- Advertisements --
Kinondina ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam ang mapanirang kilos protesta na isinagawa ng ilang libong mamamayan.
Sinabi nito na wala ng ibang mahalaga kung hindi ang pagpapatupad ng batas sa Hong Kong.
Kasunod ito ng pagpasok ng mga nagpoprotesta sa government headquarters at pinagbabasag ang bintana at pintuan.
Sinira pa nila ang mga filing cabinets at mga nakakabit na paintings.
Dagdag pa ni Lam na napakalayo ang isinagawang unang rally na ito ay mapayapa.
Magugunitang nagsagawa ng kilos protesta ang mga mamamayan ng Hong Kong para kondinahin ang balak na pagpasa ng extradition bill.