HIKE FOR A CAUSE
September 30, 2023 at Park View, Hong Kong ( Starting Point ) to Tai Tam Reservior Park(End Point)Tai Tan Hong Kong.
Pinangunahan ni Maria Theresa Aquino na isang Family Driver at Presidente ng ROAD Association, Hong Kong Drivers of Overseas Filipino Drivers dito ang isang Hike for a Cause para makapagbigay ng mga school supplies na gaya ng ballpen, papel, lapis, bag, uniform at mga rubber shoes para sa mga Katutubong Aeta na nakatira sa bundok at nag aaral sa Dalaoig Elementary School, Cataruan Annex, Cagayan Valley.
Ramdam ng mga kababayan natin mga OFW ang hirap ng mga katutubong Aetas sa kanilang lugar, na dahil hindi halos nakapag aral ang kanilang mga magulang kaya hirap silang matustusan ang tamang kagamitan sa pag aaral ng kanilang mga anak.
Dahil nga dito ay sa pamamagitan ng Hike for a Cause na dinaluhan na umaabot sa mahigit Limaput-Tatlo na katao o 53 OFW dito na nakilahok sa nasabing aktibidad at nagbigay sila ng mga boluntaryong halaga ng pera sa bawat kasapi para maibili sa nasabing pangangailangan ng mga batang mag aaral.
Kabilang sa mga grupong nakilahokat nagbigay ng mga pera sa nasabing Hike for a Cause ay ang mga sumusunod:
- New Era Volunteers-Hong Kong
- POWA-HK
- UMELA
- GMGINSIGHT
- United Mindanoaan HK
- SBBMA
Ayon kay Ginang Aza Indraznet na tubong Laguna Na nakapanayam natin na isa ding nakilahok sa Hiking at Leader ng TTPRODUCTION na siyang nangunguna pagdating sa Video at Photography Coverage sa Hong Kong kapag may programa ang mga grupo ang ating mga kababayan dito na gaya ng Birthdays, Aniversarries, Christmas Party, at iba ibang Religious Group Events.
Dagdag pa nito na pagkatapos ng aktibidad ay kanya kanyang naghiwalay ang ating mga participants dahil sa pagod at gutom na din sa Hiking ngunit masaya ang puso ng bawat isang naghiwalay dahil nakatulong sila sa mga katutubong Aeta sa nabanggit na lugar. Sabi pa nya na ang kanilang adhikain sa pamamagitan ng kawang gawa ay mananatili hanggat sila ay may pagkakatong gumawa ng mabuti sa kapwa sa abot ng kanilang kakahayan bilang OFW dito sa Hong Kong.
Bombo Report News From
Marlon De Guzman
Bombo International Correspondents-Hong Kong