-- Advertisements --
Hong Kong protest
HK protest

Nanawagan ang Hong Kong government sa mga protesters na tigilan na ang ginagawa nila.

Ito ay matapos na makapasok na ang mga protesters sa Legislative Council Building.

Sa inilabas na pahayag ng gobyerno na ang ginagawang protesta ng mga tao ay nakakaapekto sa kaligtasan ng marami.

Nilinaw naman ng gobyerno na kanilang nirerespeto ang taunang July 1 march basta ito ay ginagawa sa mapayapang paraan.

Tiniyak naman ng Hong Kong Police na kanila agad paaalisin ang mga nagsasagawa ng kilos protesters na lumusob na sa legislative building.

Base sa pagtaya Civil Human Rights Front, na aabot sa mahigit 550,000 katao ang nagasagawa ng kilos protesta ngayong araw hbang sa taya ng kapulisan ay mayroon lamang na 190,000 ang nakadalo sa kilos protesta.

Magugunitang patuloy pa rin na inaalmahan ng mga nagsagawa ng kilos protesta ang balak na pagpasa ng extradtion bill na ang lahat ng mga may kaso ay dadalhin sa China para doon litisin ang kaso.