Back to normal na operasyon sa Hong Kong International Airport matapos ang sagupaan na naganap sa pagitan ng mga raliyista at otoridad kahapon.
Karamihan sa mga flight schedules ay nakatakda nang ituloy ngayong araw kung kaya’t libo libong pasahero na ang nakapila sa departure hall ng paliparan.
Tinanggal na rin dito ang mga nagkalat na grafitti at papel na iniwan ng mga nag-aalsa.
Limang katao naman ang inaresto at dalawang pulis ang sugatan matapos ang kaguluhan na nangyari sa loob ng Hong Kong International airport.
Hindi naman pinayagan ng Chinese government na dumaong sa Hong Kong ang dalawang US Navy na nakatakda sanang mag port visit sa naturang lungsod.
Kinumpirma naman ni US President Donald Trump na sinimulan na umano magpadala ng tropa militar ng Chinese government sa border ng Hong Kong kung kaya’t hinikayat nito ang lahat ng mamamayan na mag-ingat.