-- Advertisements --

Pansamantalang itinigil ng Hong Kong government ang pagpapatupad nito ng mandatory COVID-19 vaccines para sa mga foreign domestic workers.

Ito ay matapos na almahan ng mga human rights goups dahil sa pagiging discrimatory umano ng nasabing batas.

Sinabi ni Hong Kong leader Carrie Lam na kanilang itinigil ang nasabing vaccine policy dahil sa reklamo ng mga grupo ng manggagawa dahil sa unfair na pag-single out sa kanila.

Isa rin aniyang itinuro nito ang pag-alma ng ilang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.

Karamihang mga babaeng domestic workers ay mula sa Pilipinas, Indonesia, Nepal at Sri Lanka ay naninirahan sa kanilang mga amo sa Hong Kong.

Nauna rito iminungkahi ng mga otoridad sa Hong Kong ng mandatory vaccines sa 370,000 na mga foreign domestic workers hanggang Mayo 9.