-- Advertisements --
Tinanggal na ng Hong Kong ang pag-access ng short-video app na TikTok.
Ito aya matapos ang isang linggong pagpatupad ng China ng kanilang bagong security law.
Ang nasabing batas kasi ay naghihigpit sa kalayaan ng semi-autonomous territory.
Pinag-aaralan na rin ng ibang social media company gaya ng Facebook at Twitter ang kanilang operasyon sa Hong Kong.
Paglilinaw naman ng kumpanyang ByteDance ang nagpapatakbo ng TikTok na hindi sila nagbibigay ng mga maseselang impormasyon ng kanilang users sa China.
Magugunitang tumaas ang demand ng TikTok ng ipatupad ang global lockdown dahil sa coronavirus kung saan umabot sa mahigit 315 million katao ang nag-download nito.