-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin sa mga libo-libong nagsagawa ng kilos protesta si Hong Kong leader Carrie Lam.
Kasunod ito ng malawakang panawagan na ito ay bumaba na sa puwesto.
Ang nasabing paghingi na kapatawaran ni Lam ay isinagawa isang araw bago indifinite
suspension ng kontrobersiyal na extradition bill.
Nangako ito na maging sinsiro at maging mapagkumbaba para tanggapin ang anumang kritisismo para maging maganda ang panunungkulan nito sa publiko.
Ang nasabing kilos protesta ay siyang pinakamalaki mula noong 2012 ng maging pangulo ng China si President Xi Jinping.