-- Advertisements --
Nagmatigas si Hong Kong leader Carrie Lam na hindi ito magbibitiw sa puwesto.
Ito ang kaniyang inanunsiyo matapos na ito ay humingi muli ng paumanhin sa naganap na mawalakang kilos-protesta dahil sa pagkontra sa extradition bill na sa kalaunan ay kaniya itong inatras.
Sa kaniyang talumpati, inako niya ang ang nasabing pangyayari at humingi ito ng kapataran dahil sa kontrobersiya.
Magugunitang umabot sa mahigit isang milyong mga mamamyan ng Hong Kong ang nagsagawa ng kilos-protesta sa malaking bahagi ng Hong Kong dahil sa pagtutol sa nasabing panukalang batas.