NAGA CITY – Isa pang malawakang kilos protesta ang pinaghahandaan ng mga raliyista sa Hong Kong.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong planong magsagawa ng kilos protesta ang mga mamamayan sa huling linggo ng Agosto kasabay ng Liberation Day sa Hong Kong.
Balak din aniyang isagawa ng democratic group ang kanilang mga protesta hanggang sa Oktubre 1 kasabay naman ng National Day of the People’s Republic of China.
Kaugnay nito, ayon kay Sadiosa, inaasahang marami pa rin ang sasama sa rally lalo na ngayong hindi na nakikisawsaw ang mga Hong Kong police.
Kung maaalala, naging payapa ang isinagawang protesta ng tinatayang nasa 1.7 milyon katao noong araw ng Linggo sa Victoria Park matapos pabayaan lamang ng mga pulis ang mga raliyista sa kanilang pagmartsa.