-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng malakawang pagkatay ang Hong Kong ng mahigit 2,000 hamster at ilang mga maliliit na hayop.

Iniuugnay kasi ang mga ito sa nangyaring COVID-19 outbreak na nagmula sa mga petshop.

Sinasabing nagkaroon umano ng Delta variant outbreak sa Hong Kong mula sa empleyado ng petshop at ng isailalim sa pagsusuri ang ilang daang hayop ay nakitang nagpositibo sa COVID-19 ng 11 hamster.

Itinuturing ng mga opisyal ang insidente bilang animal-to-human COVID transmission ang nangyari.

Bukod sa mga hamster ay kabilang na sasama sa culling ang mga rabbit at chinchillas.