-- Advertisements --
HONG KONG 1
Jimmy Lai (Twitter)

Inaresto ang tinaguriang media tycoon sa Hong Kong dahil sa kanyang pagsuporta sa mga isinagawang mga pro-democracy movement at kilos protesta.

Liban dito, hinuli kaninang madaling si Jimmy Lai dahil din daw sa pambabatikos sa China.

Pinagbasehan ang pag-aresto kay Lai batay sa kontrobersiyal na bagong batas o new security law na naunang ipinatupad noon lamang nakaraang buwan.

Kabilang sa nakapaloob sa bagong batas ang pag-aresto sa kanilang mamamayan na nakikipagsabwatan sa mga “foreign forces.”

Liban kay Lai kasama ring inaresto ang kanyang business partner na si Mark Simon.

Ang kanilang pahayagan na Apple Daily, ay isang pro-democracy tabloid na pag-aari ni Lai.

HONGKONG PROTEST AMID CORONAVIRUS

Sinasabing maging ang anak ng media mogul ay inaresto rin.

Sa statement naman ng Hong Kong Police Force umaabot daw sa pitong katao na may edad 39 hangang 72-anyos ang inaresto.