-- Advertisements --
carrie lam
Carrie Lam

Plano ngayon ng Hong Kong ang pagsara ng mga daanan sa pagitan nila ng China para hindi makapasok ang bagong coronavirus.

Sa kaniyang anunsiyo, sinabi ni Hong Kong leader Carrie Lam, simula sa Huwebes ay sususpendihin ang mga biyahe ng high-speed trains, flights at ferries patungong China.

Hindi na rin makakatanggap ng permits ang mga residente ng mainland China na bibisita sa Hong Kong.

Isa lamang ang Hong Kong ilang bansa na naghigpit sa mga pagpasok ng mga naninirahan sa China para hindi na kumalat ang nasabing virus.