-- Advertisements --
Mahigpit ng ipapatupad sa Hong Kong ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng pampublikong lugar.
Ayon kay Secretary for Food and Health Sophia Chan, hindi lamang sa public transport ipapatupad ang pagsusuot ng face mask at maging sa public indoor areas, bus interchange at terminal stations.
Magbabayad naman ng multa ng $645 ang sinumang mahuling lumabag sa kautusan.
Dapat rin na magpakita ng kanilang negative results sa nucleic acid test sa loob ng 72 oras sa kanilang flights ang mga manggagaling sa syam na high-risk na bansa kabilang na ang United States at Kazakhstan.