-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Hong Kong ang panibagong paghihigpit nila bilang pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19.
Isa rito ang pagbabawal sa mga flights mula sa Pilipinas at pitong iba pang mga bansa na kinabibilangan ng Australia, Canada, France, India, Pakistan, United Kingdom at US.
Isasara rin nila ang mga bars at gyms ganun din ang pagkansela ng mga evening restaurant dinings matapos na matuklasan ang Omicron variant.
Nagtala kasi ang Hong Kong ng 114 Omicron cases na karamihan dito ay nakita sa airport sa 21-day hotel quarantine na mandatory sa mga dumarating na pasahero.
Pinangangambahan ni Chief executive Carrie Lam na posibleng kumakalat na ito sa mga kumunidad.