-- Advertisements --

Nagpatupad ang Hong Kong ng pagbabawal ng mga flights mula sa United Kingdom para tuluyang mapigilan ang pagkalat pa ng Delta variant ng COVID-19.

Inilagay kasi ng Hong Kong ang UK bilang “extremely high-risk” country para sa pandemic travel.

Magiging epektibo ang travel ban mula Hulyo 1 na labis na maapektuhan ang mga pasahero na galing sa Britanya.

Sa nasabig ban ang mga mamamayan na nagmula sa Britanya ay hindi papayagan makapasok sa Hong Kong.

Hindi naman apektado dito ang mga flight na galing Hong Kong patungo sa UK.