-- Advertisements --
Ilang katao ang inaresto ng mga kapulisan sa Hong Kong na nagsagawa ng protesta sa iba’t-ibang shopping malls.
Nagsagawa kasi ng Mother’s Day flash mob rallies ang mga ito sa nasa walong shopping malls sa lugar.
Matapos na makakuha ng impormasyon ang mga kapulisan ay nagtungo sila sa lugar at inaresto ang mga ito at pinaalis ang mga taong nanonood.
Pinatawan ng hanggang $260 na multa ang mga naaresto dahil na rin sa paglabag sa ipinapatupad na anti-virus measures na pinagbabawal na magsama-sama ang nasa mahigit katao para hindi na kumalat pa ang coronavirus.
Magugunitang noong nakaraang taon ay umabot ng pitong buwan ang kilos protesta kung saan tinutuligsa nila ang panukalang batas na sa China lilitisin ang mga may kaso.