-- Advertisements --
Gumamit ng pepper spray ang mga kapulisan ng Hong Kong sa mga nagsagawa ng kilos protesta na nagsindi ng mga kandila kasabay ng paggunita ng 1989 Tiananmen Square democracy crackdown.
Isinagawa ng mga kapulisan ang paggamit ng pepper spray para buwagin ang mga nagsagawa ng kilos protesta.
Gumawa ng barikada ang ilang mga protesters subalit ito ay binuwag ng mga kapulisan.
Ipinagbabawal kasi ng gobyerno ng Hong Kong ang pagtitipon ng maraming tao bilang hakbang sa paglaban sa pagkalat ng coronavirus.
Ito rin ang unang pagkakataon na walang magaganap na anumang programa para sa paggunita ng madugong kaguluhan sa lugar.