ILOILO CITY- Desidido si Hong Kong police chief Stephen Lo Wai Chung na sampahan ng kaso ang mga raliyesta na umatake sa mga frontline officers gamit ang tubo at bricks kasabay ng makasaysayang mass rally laban sa extradition bill.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo International Correspondent Merly Bunda, direkta sa Hong Kong, sinabi nito na matapos ang kilos protesta, panahon naman upang panagutan ng mga ralisyesta ang kanilang ginagawang pananakit sa mga pulis.
Ayon kay Bunda, nilinaw ni Lo na ang mga raliyesta na nanakit lang ng mga pulis ang mahaharap sa riot-related charges at ang mga sumama sa kilos protesta na walang ginawang bayolenteng hakbang ay hindi sasampahan ng kaso.
Ani Bunda, hindi titigil ang mga raliyesta hanggang sa hindi bumababa sa pwesto si Hong Kong leader Carrie Lam na siyang pumupilit umano sa kontrobersiyal na extradition bill.