Dumepensa ang mga kapulisan ang ginawa nilang paghalughog sa opisina ng Apple Daily sa Hong Kong.
Nitong Huwebes kasi ay nasa 500 kapulisan ang lumusob sa opisina ng kilalang pahayagan sa Hong Kong dahil umano sa paglabag sa national security law.
Inaresto nila ang editor-in-chief at apat na opisyal ng pahayagan sa kanilang bahay.
Bukod pa dito ang pag-freeze sa mga assets ng tatlong kumpanya na iniuugnay sa pahayagan na umaabot sa $2.3 milyon.
Sinabi ni Hong Kong security chief John Lee na ginagamit ng pahayagan ang kanilang opisina para batikusin ang bagong batas.
Mula pa aniya noong 2019 ay aabot na sa 30 artikulo ang inilabas nila na nanghihikayat na dapat parusahan ang Hong Kong at China dahil sa pagpasa ng national security.
Ang pahayagan ay pag-aari ng kilalang supporter ng pro-democracy movement na si Jimmy Lai na inaresto noong nakaraang buwan.
Magugunitang ipinasa ang national security law noong 2020 bilang sagot sa malawakang kilos protesta kung saan sa bata ay madaling maparusahan ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.