-- Advertisements --
Dumipensa ang mga kapulisan ng Hong Kong sa pagpapaputok ng kanilang baril sa kasagsagan ng anti-government protests nitong nakalipas na Linggo.
Sinabi ni Assistant Police Commissioner Mark Chin-ho, kaya napilitang magpaputok ng isang beses ang isang pulis ay dahil kinuyog ito ng anim na mga protesters.
May ilang protesters din ang nagtangkang agawain ang mga baril na nakalagay sa kanilang beywang.
Dagdag pa nito na ang kanilang ginawa ay mahalaga at nararapat lamang dahil sa pananakit na rin ng mga protesters.
Kinondina rin ng mga pro-government lawmakers ang ginawa ng mga protesters na nagtapon ng mga gasoline bombs, pagharang sa mga kalsada at pananakit sa mga kapulisan.