-- Advertisements --
Gumamit na rin ng water cannon ang mga kapulisan sa Hong Kong para tuluyang itaboy ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Hindi kasi ininda ng mga protesters ang tear gas mula sa kapulisan hanggang sa napilitan na silang gamitin ang water cannon.
Nagsagawa naman ng makeshift barricades ang mga protesters gamit ang mga traffic cones at street railings.
Ilang libo ang dumalo sa kilos protesta mula Kwai Chung patungong Tseun Wan district.
Ito na ang pang-12 na linggo na isinagawa ang kilos protesta.
Ibinunyag ng isang opisyal ng Hong Kong Police na ikinalat ng ilang nga protesters ang private information ng ilang mga kapulisan.
Iniimbestigahan na rin ng mga otoridad kung may mga nagpaputok ng baril sa panig ng mga otoridad.