-- Advertisements --
hong kong protest rallies

Muling gumamit ang Hong Kong police ng tear gas upang sapilitang buwagin ang pagtipon-tipon na naman ngayong araw ng libu-libong mga raliyesta.

Sa pagkakataong ito pinoprotesta ng mga demonstrador ang police brutality at ang marahas na pakikisawsaw ng mga miyembro ng Hong Kong triad noong nakalipas na linggo kung saan inatake ang mga raliyesta at pinagpapalo pati ang mga inosenteng sibilyan.

Maraming mga protesters ang nagsuot na ng mga hard hats, masks, mga payong at ang iba ay nagbitbit pa ng mga homemade na wooden shield.

Noon una ay mapayapa ang kilos protesta hanggang sa mauwi na naman sa gulo nang tangkain ng riot police na buwagin ang kanilang mga hanay.

Kabilang sa sentro ng protesta ngayon ay ang lugar ng Yuen Long malapit sa subway stations kung saan doon nangyari ang mob attack kamakailan na umabot sa halos 50 ang sugatan.

hong kong triad attack 1
Mob attack by triad members against Hong Kong protesters

Ito na ang ikawalong sunod na weeekend na isinagawa ang demonstrasyon sa Hong Kong.

Nagsimula lamang ito sa peaceful protests laban sa ngayon ay ang sinuspinde na panukalang batas na magpapatupad sana sa kontrobersyal na extradition bill.