-- Advertisements --
HONGKONG
HK protests

Inirereklamo ng mga mambabatas sa Hong Kong ang mga kapulisan dahil sa kapabayaan na protektahan ang mga nagsagawa ng pro-democracy rally laban sa mga hindi pa matukoy na grupo.

Ayon sa mga mambabatas na nasa oposisyon na ang kawalan ng hakbang ng kapulisan ay napabayaan na ang hindi pa kilalang grupo na atakihin ang mga nagsagawa ng mapayapang rally.

Nagtataka ang mga ito dahil sa mas marami pa ang bilang ng mga kapulisan sa Hong Kong kumpara sa populasyon ng mga naninirahan doon.

Ipinagtanggol naman ni Hong Kong police chief Stephen Lo ang kaniyang kapulisan na abala ang mga ito sa pagbabantay sa mga anti-government protest kaya hindi na nila nakita ang pag-atake ng mga grupo.

Ikinagulat naman ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam ang insidente at kinondina ang ginawa laban sa mga nagsagawa ng mapayapang kilos protesta.

Magugunitang inatake ng grupo ng kalalakihan ang ilang mga pasahero ng train station kung saan naroroon ang mga nagsagawa ng kilos protesta.