-- Advertisements --
Kinasuhan na ng Hong Kong police ang mga protesters na kanilang naaresto nasa likod ng madugong kilos protesta.
Haharap sa pagdining sa korte ngayong Miyerkules ang mga naaresto matapos na kasuhan sila ng rioting.
Itinuturing kasi na ang kasong rioting bilang serious public order offenses sa Hong Kong na maaaring mahatulan ng hanggang 10 taon na pagkakakulong.
Magugunitang nagkasagupa ang mga kapulisan at protesters sa ika-walong linggong kilos protesta na isinagawa ng piliting makalapit ang mga ito sa government offices.