Nagbabala ang Hong Kong police na gagamit na sila ng tunay na mga bala sa mga nagsasagawa ng kilos protesta dahil sa pagiging biyolente ng mga ito.
Kasunod ito sa naging sagupaan ng mga kapulisan at mga protesters na sumakop at lumusob sa isang unibersidad sa lugar.
Dagdag ng mga kapulisan, hindi nila hahayaan na may masawi pa sa kanilang panig kaya patuloy ang kanilang pakiusap sa mga nagsasagawa ng kilos protesta na itigil na ang kanilang ginagawa.
Magugunitang gumamit pa ng pana ang mga sumakop sa isang unibersidad sa Hong Kong kung saan tinamaan ang isang pulis.
Nauna nang nasugatan ang isang protesters ng binaril ito ng mga kapulisan noong Nobyembre 11.
Kung maalala nagmatigas pa rin ang mga protesters kahit na ibinasura na ni Hong Kong lider Carrie Lam ang kontrobersiyal na extradition bill.